Sunday, October 18, 2009

Sumulat tungkol sa karanasan ninyo tungkol sa:



Jeepney riding


tayong mga pinoy ginagamit natin ang jeep bilang transportasyon. sapagkat sa jeep ay marami ang nakaka sakay at mura ang pamasahe. subalit sa kabila nito, nakakalungkot isipin na halo halo yung naaamoy mo lalo na kapag siksikan ang mga pasahero ay minsan di natin mnasasadyang mahipo yung mga bagay na wala tayong karapatang humawak. tsaka kapag sa jeep ka sasakay ay marami tayong aksidenting na raranasan. ang mabagok ang ulo sa kesame at sa bintana nito. minsan pa nga ay nalalampas pa tayo sa lugar na dapat nating parahan. kaya madalas kapag sumasakay ako ng jeep ay pumaapara ko ng mga isang kanto ang advantage, kasi tamang tama kapag huminto ang jeep ay nandun na sa lugar na dapat kong hintoan. minsan naman natatawa nalang ako kapag pumara ako at kaagad huminto eh di pa naman sana ako doon bababa. kaya bumaba nalang ako para hindi mapahiya.jejeje,.,

Tricycle ride

sa pagsakay ko ng tricycle ay marami akong experiences na nararanasan.nariyan ang nakasabay ako ng taong halos maligo na sa pabango sa sobrang bango. madalas naman kapag pumapara ka ng tricycle ay hindi ka pinapasakay kahit na wala naman itong pasahero, may pumara nga pero kapag sasabihin mo naman ang lugar na dapat mong pumtahan ay hindi pumapayag. may nagpapadagdag pa ng ibabayad, kasi malayo raw. eh malapit lang naman ang mga lugar dito sa gensan eh,.di katulad sa davao na nagdodouble rides ka paglabas ng subdivision. pwede nga nating malakad dito, kaya lang napaka init at maalikabok pa. kaya wala tayong choice na sumakay ng tricycle.

No comments:

Post a Comment