Friday, October 16, 2009

Pumili ng Top5 mo na Presidentiable candidates.Oh, bakit sila?

Ang Top 5 kong presidentiable candidates ay sina:

1.CHIZ ESCUDERO
hindi lamang marami ng karanasan sa politiko, kundi kanyang lubos na pinahahalagahan ang mga hinaing ng mga kabataan, at bilang isang kabataan, ako ay nagagalak sapagkat kami ay kanyang binibigyan ng importance.sabi pa nga niya ay" Ang KABATAAN hindi lamang pag-asa ng bayan, ang kabataan dapat MAAASAHAN na ng bayan".
hindi naman lingid sa atin ang mga nagawa nya, kanyang tinutuliksa ang mga mali at tiwaling nangyayari sa kasalukuyang namamahala ng ating bansa.at kanyang sinusuportahan ang mga plano o proyektong inilulunsad ng ating gobyerno.kaya masasabi kong isa syang public servant na tapat at ,maaasahan sa kanyang sinumpaang tungkulin. karapat dapat syang maging isang presidenti sapagkat malapit sa kanya ang mga katulad kong isang kabataan.




2.Manny Villar

Alam naman nating lahat na si Manny Villar ay Number one sa senador na pinaka mayaman, isa syang taong nanggaling sa hirap, umasinso sya sa kanyang sariling pagsisikap at diterminasyon na makatulong sa kanyang pamilya. kaya masasabi kong si Manny Villar ay isang maka mahirap na tao,alam nya ang mga pangangailangan ng mga mahihirap, marami syang natulungang tao, mga proyektong kangyang na tupad. ang pa bahay sa mga mahihirap, pag papauwi sa mga OFW na inabuso sa ibang bansa at marami pang iba na kung isa isahin natin ay kulang ang isang araw na pagkukwentohan.
karapat dapat syang maging presidente sapagkat sya ay may pusong maka mahihirap.




3.Loren Legarda
Si loren legarda ay isang sikat at maimpluwensyang mamahayag noon sa isang sikat na station ng ABS CBN
kaya alam nya at naranasan nya kung gaano ka hirap ang masalanta ng ibat ibang kalamidad at ano ang mga pangyayaring kailangan pa nating dapat na kakailanganin upang umunlad ang ating bansa mapa urban man ito o rural. hindi lingid sa atin ang ginawa nyang pagbatikos sa ating kasalukuyang namumuno sa ating bansa, ang mga ginagawang anumalya ng mga ilan sa namumuno sa ating bansa. masasabi kong si loren legarda ay karapat dapat na maging presidente sapagkat sya ay dating isang mamahayag, at ang mamahayag ay nagsasabi ng katutuhanan, hindi nito tinatakpan ang mga pangyayari na pweding maging mitsa ng pagkaka sira ng imahe ng ating bansa,.


4.Noynoy Aquino
Si Noynoy Aquino ay isa sa pinag uusapang napipisil na presidentiable ngayong 2010. hindi lingid sa atin na sya ay anak ng dating namumuno ng ating bansa na si Cory Aquino.isa syang mahusay na politiko hindi lamang sa namana nya ang kakayahang mamuna ng kanyang mga magulang kundi ipinag lalaban nya rin at sinuportahan ang Family planning. kahit na isa syang debotong katoliko. sapagkat alam nya kung gaano kahalaga ang pagkokontrol at pagpaplano ng pamilya. tsaka masasabi kong karapat dapat syang maging presidente sapagkat na obserbahan ko mismo sa mga on the spot na interview sa kanya na kaya nyang sagutin lahat ng mga tanong sa kanya tungkul sa politiko.


5.Gilbert gibo teodoro
Si Gilbert Teodoro ay hindi lamang isang matalinong tao na naging abugado. kundi sya rin ay maka bayan na tao, sapagkat matagal na syang naglilingkod sa ating gobyerno. sa kabataan nya ay naging isa syang Kabataang Barangay, a member of the Sanguniang Panlalawigan of Tarlac from 1980 to 1986. marami na rin syang natanggap na karangalan for his excillence.,at nag aral pa sa ibang bansa bilang isang abugado.at naging isa pa syang piloto. at ngayon ay naglilingkod sa gobyerno bilang Secretary of National Defense na syang inatasan ng ating gobyerno na pumoprotekta at bumibigay ng pangangailangan para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan. lalo na sa panahon ngayon na sunod sunod ang mga nagaganap na delobyo sa ating bansa.masasabi kong karapat dapat syang maging presedente sapagkat alam nya kung ano ang ating mga kailangan lalo na sa ating lugar na palaging nagkakaroon ng kaguluhan.








No comments:

Post a Comment