Friday, October 16, 2009

Sang ayon ba kayo sa pagtatayo ng coal fired plan sa Sarangani. Bakit?

Bilang isang sarangan na nakatira sa sarangani province, ako ay sang ayon sa papapatayo ng coal fired power plant na ito, sapagkat ito ay nakatutulong bilang karagdagang enerhiya sa ating bansa, alam naman natin na masyado na nagkakaroon na tayo ng energy shortage sa ating lugar, at alam rin natin na ito ay nakaka sagabal sa ating mga ginagawa, at maraming tao ang naaapektohan nito.hindi lang tayong mga studyante na nag aaral, kundi pati na rin ang mga may ari at naninilbihan sa mga establisimento. lalong lalo na sa mga business sectors. sila ay masyading naaapektohan sa energy shortage na ito.
kung atin namang pagbabasihan ang para sa ating kalusugan, hindi naman seguro tayo ipapahamak ng mga may aring kontraktor sa ginagawa nilang coal fired plant, sapagkat ito ay kanilang masusing inobserbahan at pinag aralan ang napakalaking proyektong ito, hindi naman sila maglalaan ng napakalaking halaga para lang sa ating ikapapahamak,.
kung para sa akin, bakit hindi natin subukan ang kayang magawa ng inbensyong ito, huwag natin itong huhusgahan kaagad, sapagkat hindi natin alam na baka sa bukas, o sa makalawa ay tuluyan na tayong mawawalan ng enerhiyang kailangan natin.huwag naman sana nating gamitin ang marahas na paraan upang huwag matuloy ang proyektong ito, dahil nagsimula ng nalaman ng mga mamamayan sa maasim sarangani province na itatayo sa kanilang lugar ang coal fired plant ay nasimula na namang gumulo ang lugar na iyon, sakatunayan ay ating nababalitaan sa telebisyon ang mga kaguluhang nagaganap. ang ating mga magigiting sundalo laban sa rebelding MILF na alam naman natin na wala silang pinipiling lugar at pagkakataon na manghasik ng kaguluhan sa ating lugar.
tama lang naman ang ginagawa ng ating gobyerno na gumawa ng alternatibong pamamaraan na huwag tuluyang mawalan tayo ng electrisidad, sapagkat tayo rin naman ang mag durusa kapag huli na ang lahat,.
ako ay natutuwa na sa wakas ay pina approbahan na ang pagpapatayo ng proyektong ito. sa kabila ng mga aligasyon at paninirang ginawa ng mga taong ayaw sa alternatibong pamamaraang ito, ay sa wakas, inuumpisahan na ang proyektong ito..

No comments:

Post a Comment