Tuesday, October 13, 2009

Ang tao ba ay may kontrol sa kanyang sarili




Ang tao nga ba ay may kontrol sa kanyang sarili?., kung ang pagbabasihan natin ang mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran, at ang mga nasasaksihan nating mga kaganapan sa ating bansa, masasabi kong Oo, ang tao ay may kontrol sa kanyang buhay kaya nga hanggang ngayon buhay pa tayo, kasi tayo mismo sa sarili natin ay nagpapakatatag at nag papaka tibay kahit ano mang unos at pagsubok na dumating sa atin,. subalit minsan masasabi ko ring ang tao ay hindi may hawak o may kontrol sa kanyang buhay,. sapagkat kung tayo mismo sa sarili natin ay may kontrol sa ating buhay,. dapat hindi na tayo nasasaktan,. dapat naiiwasan natin ang mga pangyayaring makaka sadlak sa atin sa kapahamakan,. tsaka, diba nga lahat naman ng tao ay gustong umunlad ang kanyang pamumuhay? bakit kahit anong pagsisikap ang kanyang gawin ay hindi pa rin gumiginhawa ang kanyang buhay,. hindi natin maiiwasang sabihin ang katagang kapalaran talaga natin ang nangyayari sa atin, sapagkat wala namang ibang sisisihin at hahangaan sa ating mga nagawa kundi ang sarili natin mismo,.at hindi ang ibang tao,.












No comments:

Post a Comment