Sunday, October 18, 2009

Anong parte ng katawan ninyo ang gusto ninyong maging sikat? at bakit?

ang parte ng katawan ko na gusto kong maging sikat ay ang aking mata. kasi sabi nila sa akin, kapag nagsasalita raw ako ay nangungusap rin yung mata ko, tsaka ang mata ko kasi ay lumuluha kapag nakikipag usap ako sa taong hindi ko masyadong kilala. di ko nga alam kung bakit. masasabi ko ring unique yung mata ko kasi nakakatagal ako ng titig kapag mag eye to eye ng kahit sino.

Sumulat tungkol sa karanasan ninyo tungkol sa:



Jeepney riding


tayong mga pinoy ginagamit natin ang jeep bilang transportasyon. sapagkat sa jeep ay marami ang nakaka sakay at mura ang pamasahe. subalit sa kabila nito, nakakalungkot isipin na halo halo yung naaamoy mo lalo na kapag siksikan ang mga pasahero ay minsan di natin mnasasadyang mahipo yung mga bagay na wala tayong karapatang humawak. tsaka kapag sa jeep ka sasakay ay marami tayong aksidenting na raranasan. ang mabagok ang ulo sa kesame at sa bintana nito. minsan pa nga ay nalalampas pa tayo sa lugar na dapat nating parahan. kaya madalas kapag sumasakay ako ng jeep ay pumaapara ko ng mga isang kanto ang advantage, kasi tamang tama kapag huminto ang jeep ay nandun na sa lugar na dapat kong hintoan. minsan naman natatawa nalang ako kapag pumara ako at kaagad huminto eh di pa naman sana ako doon bababa. kaya bumaba nalang ako para hindi mapahiya.jejeje,.,

Tricycle ride

sa pagsakay ko ng tricycle ay marami akong experiences na nararanasan.nariyan ang nakasabay ako ng taong halos maligo na sa pabango sa sobrang bango. madalas naman kapag pumapara ka ng tricycle ay hindi ka pinapasakay kahit na wala naman itong pasahero, may pumara nga pero kapag sasabihin mo naman ang lugar na dapat mong pumtahan ay hindi pumapayag. may nagpapadagdag pa ng ibabayad, kasi malayo raw. eh malapit lang naman ang mga lugar dito sa gensan eh,.di katulad sa davao na nagdodouble rides ka paglabas ng subdivision. pwede nga nating malakad dito, kaya lang napaka init at maalikabok pa. kaya wala tayong choice na sumakay ng tricycle.

Friday, October 16, 2009

Totoo nga bang hindi nanghuhugas ng kamay ang mga lalaki pagkalabas sa CR? bakit?

Bilang isang lalaki, madalas at karamihan sa amin ay masasabi kong hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos mag CR. aminin man natin o sa hindi madalas talaga tayong hindi naghuhugas ng kamay, kasi hindi naman ito tinuro sa atin ng magulang natin na maghuhugas tayo ng kamay pagkatapos nating mag ihi eh,.naka ugalian na nating mga pinoy o kultura na natin ang hindi maghugas ng kamay pagka tapos umihi. pwera nalang siguro kung magbabawas tayo. kailangan talaga nating maghugas ng kamay. tsaka it depends on a situation, may mga pagkakataon at most of the time na hindi naman namin na ta touch ung private parts namin pag umiihi. kaya no need na maghuhugas kami ng kamay namin.

Ano ang Top5 na lagi mong ginagawa pagkagising sa umaga,Bakit?

Ang Top 5 na ginagawa ko pag gising ay:
1.Manalangin sa Dios. at purihin ang kanyang pangalan sapagkat ako ay pinahintulutan pa nyang maka gising at pinahiram pa nya sa akin ang aking buhay at lakas na aking taglay pinapanalangin ko rin sa kanya na ingatan nya ako sa aking buong araw na paglalakbay sa magulong sanlibutang ito.
2.Titignan ang Cellphone. tinitignan ko ang cellphone ko pagka gising ko kasi mahilig akong mag alarm ng cellphone. tsaka tinitignan ko rin kung may bago bang messege na dumating sa cellphone ko, lalo na at malayo ako sa pamilya ko, dapat apdated ako sa mga nangyayari sa kanila,.
3.Mag hilamos at mag gargle ng tubig na may asin. pagkatapos kong tignan yung CP ko at basahin ang mga mensahe doon ay kaagad akong naghihilamos tsaka nag gagargle ako ng tubig na may asin sapagkat hindi ito nakaka apekto sa ating vocal cords jejeje,.turo yan ng parents ko.
4.Pumunta ng Comfort Room o C.R. pumupunta ako ng CR pagkatapos kong tignan yung CP ko, kasi para magbawas.jejejeje,.marami kasi kaming gumagamit ng CR.
5.Magluto ng pagkain. nagluluto ako ng pagkain ko para sa buong araw,kasi wala dito yung parents ko at ako lang mag isa sa kwarto ko kaya para hindi ako mahirapan na magluto na magluto , ay yung pang agahan ko, pananghalian at hapunan ay niluluto ko na ng sabay,.