Friday, October 16, 2009

Anong masasabi mo sa konsepto ng "relief goods campaign"?



Sa panahon ngayon na maraming mga trahedyang dumarating, hindi pa nga tayo nakakaahon sa hirap na ating nararanasan at pagiging affected natin sa global crises ay nandito na naman ang panibagong pagsubok na ating nararanasan ay dapat lang na tayo ay magtulungan at magkaisang diwa sa pagtulong sa ating kapwa, sapagkat tayo ay hindi lang naninirahan sa iisang bansa, kundi upang maipakita natin na kaya nating magkaisa sa kabila ng mga kaguluhan,mapakita natin na ang pilipino ay malakas at hindi basta bastang matitinag sa mga pagsubok sa buhay. kaya ng pinoy ang mga pagsubok sa ito kung tayo ay nagtutulungan. tsaka sa aking nakikita at na oobserbahang nangyayari ngayon na tayong lahat ay nag aambag at nagbibigay ng tulong ay hindi man sa pang pisikal na pangangailangan maging sa pagdamay sa kanila. ito ay may napaka laking tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. ako ay nagagalak na sakabila ng ating kahirapan at kahit na mismo sa sarili natin ay hindi na natin mapagkasya ang ating mga pangangailangan, nandito parin tayo, tumutulong sa ating kababayan. nagagalak rin ako sapagkat nababalitaan kosa telebisyon maging sa mga radyo man na maraming mga taong may magandang kaluoban na hindi lang sarili nila ang kanilang iniisip. sakabila ng lahat ay kaya pa pala nating tumulong sa ating kapwa.


No comments:

Post a Comment